<< October 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Thursday, October 21, 2004
Ayaw ko Naman…

 

 

Simula nakilala kita napansin ko na ika’y kakaiba.

Pero anong magagawa ko, ganyan ka talaga.

Ayaw ko naman na ika’y may gustong iba.

Pero ayaw ko naman na di ka masaya.

Ayaw ko naman na lagi kang nagagalit.

Lalo na kapag ika’y aking pinipilit.

Ayaw ko naman na ika’y aking saktan.

Lalo na kapag ika’y nahihirapan.

Ayaw ko naman talaga na sa iyo.

Lalo na sa ugali mo pag ika’y nagtatampo.

Ayaw ko naman na magbago.

Lalo na sa mga bagay na ayaw ko.

Pero ang lahat ng ayaw ko sa iyo,

Natutunan ko nang maging paborito.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito.

Ngayon lang ako nakaramdam nito.

Pag dating sa iyo, lahat magagawa ko.

Pag dating sa iyo, lahat naging gusto ko.

Debbie, minahal na nga kita,

Nang higit pa sa aking mga nakita.

Ngunit may isang problema,

Ika’y mayroon ng iba.

Problema nga ito.

Ako tuloy gulong-gulo.

Ayaw ko naman na ika’y iwan.

Pero ito ang kailangan.

Masakit at ayaw ko man,

Pero ito ang iyong kaligayahan.


Posted at 07:46 am by eduard_gwapo

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry